Mga mag-aaral sa public elementary at high school sa Navotas, nabiyayaan ng Smartphones

Mahigit 3,000 mga estudyante mula sa public elementary at high school ang nabigyan ng pamahalaang lungsod ng Navotas ng smartphone para sa School Year 2020-2021.

Ang 3,057 beneficiaries na mga mag-aaral ay kabilang sa idineklara noong enrollment na walang sariling gadget para sa online classes.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, ang P4.5 million na pondo ng Local Government Unit (LGU) na pinambili ng smartphones ay mula sa P9.8 million na budget para sa mga programa ng Navotas City Council for the Protection of Children.


Samantala, namahagi rin si Navotas Representative John Rey Tiangco ng 350 cellphones para sa Tutor Learning Child (TLC) at Support Our Students (SOS) program.

Ang TLC ay proyekto na layong tulungan ang mga nag-aaral ng K-12 na walang gadgets para gabayan sila sa modular lessons habang ang SOS naman ay isang donation drive na sumusuporta sa pangangailangan ng mga K-12 student.

Facebook Comments