Mga magpapareserve sa pagbisita sa mga sementeryo ng lungsod ng San Juan, simula na ngayong araw

Inanunsyo ng pamahalaang lokal ng San Juan City na simula ngayong araw ay pwede nang magpa-reserve ng oras o slot ng pagbisita sa mga pampubliko at pribadong himlayan, sementeryo at kolumbaryo ng lungsod.

Batay sa abisong inilabas ng lungsod, may dalawang paraan upang magpa-reserve:
• Una, pwedeng mag-online registration mag-log in lang sa: www.picktime.com/sanjuancityundas2020.
• Pangalawa ay maaaring tumawag sa San Juan Undas Hotline 7728-9818 o 09151627152.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, magsisimulang magbukas ang pampubliko at pribadong himlayan, sementeryo at kolumbaryo ng lungsod mula October 16 hanggang 28 at November 5 hanggang 15, 2020.


Una nang inihayag ni Zamora na isasara ang mga nasabing pasilidad mula October 29 hanggang November 4, 2020, alinsunod na rin sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Pahagay pa ng alkalde na limitado lang sa dalawang oras sa bawat batch at hanggang dalawang miyembro sa bawat pamilya ang papayagang makadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Facebook Comments