Mga magsasaka at mangingisda, dapat tulungan ng DA na makapagparehistro sa RSBSA para mabigyan sila ng fuel subsidy

Pinapakilos ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang Department of Agriculture o DA para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na makapagparehistro sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture o RSBSA upang mapabilang sila sa mga benepisyaryo ng fuel subsidy.

Panawagan ito ni Lee makaraang i-anunsyo ng DA ang paglalaan ng ₱500 million para sa one-time na ₱3,000 fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda.

Matagal nang hinihiling ni Lee sa DA na ma-update at ma-modernize ang RSBSA registration dahil marami tayong mga magsasaka at mangingisda na hindi nakakatanggap ng ayuda dahil wala sila sa listahan o di kaya ay may mali sa detalye.


Bukod sa paghikayat at pag-assist ng DA sa pagpaparehistro sa RSBSA ay iginiit din ni Lee na pabilisin at simplehan ang mga requirements sa pagpaparehistro ng mga makinarya at bangka para maging kwalipikado sa fuel subsidy.

Umaasa si Lee na bibigyan ng DA ng pagkakataon na makapagrehistro ang ating mga magsasaka at mangingisda sa RSBSA habang wala pang pinal na alituntunin sa fuel subsidy.

Facebook Comments