Nakatanggap ng P1.42-B na halaga ng ayuda mula sa Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka, mangingisda at mga katutubo sa lalawigan ng Quezon.
Kinabibilangan ito ng mga farm at fishery inputs, mga makinarya sa pagsasaka at mga livelihood projects.
Ito’y upang matulungan ang agri-fishery sector na makabawi sa epekto ng COVID-19 pandemic at sa pagsalanta ng mga bagyo.
Personal ding ipinasakamay ni Agriculture Secretary William Dar ang P177-M na halaga ng cash at food subsidy sa Marginal Farmers and Fisherfolk Program sa Tayabas City.
Aabot din sa P304-M na halaga ng farm machinery ang ipinamahagi sa rice farmers’ cooperatives and associations mula sa P10-B Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Mayroong 35,523 farmers, fisherfolk at IPs sa Quezon ang mabibiyayaan ng tulong.