Mga magsasaka, magsasagawa ng hiwalay na Food Security Summit sa May 18 at 19

Naniniwala ang mga magsasaka na mas mainam na magsagawa sila ng Food Congress sa halip na dumalo sa Food Security Summit, ang mga producer ng baboy, baka, manok, palay, sibuyas, gulay at iba pa para bumalangkas ng mga hakbang at solusyon sa usapin ng produksyon, suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay National Chairman ng Pork Producers Federation of the Philippines, wala silang balak na sumama sa gagawing Food Security ng Department of Agriculture na gaganapin sa Mayo 18 at 19 dahil hindi pinapansin ni Agriculture Secretary William Dar ang kanilang mga hinaing.

Paliwanag pa ni Briones, magiging balewala lamang ang kanilang gagawin na pakikipag-usap sa Department of Agriculture dahil hindi naman pinakikinggan ang kanilang mga mungkahi.


Dagdag pa ni Briones na sa halip na dumalo sa Food Security Summit, ay magsasagawa sila ng hiwalay na Food Congress at ang mga rekomendasyon na mabubuo ay kanilang isusumite sa Senado, Kamara at Malacañang.

Facebook Comments