Manila, Philippines – Pinaka-apektado ng mataas na inflation ang mga magsasaka at mangingisda.
Ito ang lumabas sa resulta ng pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) ukol sa epekto ng high inflation sa mga mahihirap sa bansa.
Sa kapihan sa SWS forum, inilahad ni University of the Philippines (UP) School of Statistics Dean, Professor Dr. Dennis Mapa – na ang mataas na inflation na naranasan ng mahihirap na mga pamilyang Pilipino ay banta sa anumang hakbang na mabawasan ang kahirapan sa bansa.
Ibinase ito sa mga datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa nagdaang 10 taon, lumalabas na nababawasan lamang ang kahirapan kapag tumaas ang sweldo ng mahihirap na Pinoy kasabay ang mababang inflation.
Ipinaabot na ni Mapa ang impormasyon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa layong gawing prayoridad ang mga magsasaka at mangingisda.