SAN QUINTIN, PANGASINAN – Nagbigay ng paalala ang lokal na pamahalaan ng San Quintin sa mga magsasaka ng bayan na maging mapagmatyag mga taniman, dahil pabago bagong klima ay tiyak na magsusulputang muli ang mga insekto na gaya ng fall armyworm o mas kilala sa tawag na harabas.
Ang harabas ay isang uri ng insekto na namemeste sa mga pananim tulad ng mais at palay.
Dahil dito, ipinagbigay alam ng lokal sa pamahalaan sa mga magsasaka na kung nakitaan ng pamemeste ang mga pananim ay ipagbigay alam agad sa assigned Agricultural Technologist sa Municipal Agriculture Office.
Sa ngayon, wala pa umanong naitatalang pamemeste ang ahensya.| ifmnews
Facebook Comments