MANILA -Nag-uuwian na ang mga magsasaka na nakiisa sa rally sa Kidapawan City matapos matanggap ang mga donasyong bigas mula sa iba’t ibang grupo at personalidad.Ayon kay Jerry Alborme, pinuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-North Cotabato, daan-daang mga magsasaka ang nagpasya nang magbalikan sa kani-kanilang mga barangay makaraang makatanggap ng inisyal na 25 kilo ng bigas bawat isa.Sa inisyal na pagtaya, umaabot sa 1,253 sako ng bigas, de lata at iba’t-ibang uri ng gamot ang natanggap ng mga magsasaka mula sa mga pribadong donor, artista at mga ordinaryong indibidwal.Samantala, Inilabas na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang resulta ng imbestigasyon sa marahas na dispersal sa Kidapawan City.Ayon kay DILG Undersecretary Peter Corvera, posibleng nahaluan ng makakaliwang grupo at sinabayan pa ng ilang pulitiko ang mga nagprotestang magsasaka para gumawa ng gulo.Kaugnay ito, nais nilang malaman kung sino ang nasa likod ng paghahakot ng mga tao sa protesta at nagpondo rito.Ngayong araw sisismulan ng senado ang public hearing sa Kidapawan dispersal na gaganapin sa University of Southeastern Philippines sa Davao City.
Mga Magsasakang Nagprotesta Sa Kidapawan City, Nahaluan Ng Mga Miyembro Ng New People’S Army At Ginamit Ng Ilang Pulit
Facebook Comments