Mga magtratrabaho sa April 9, triple ang makukuhang sahod – DOLE

Courtesy DOLE - NWPC

Magtrabaho man o hindi sa Abril 9, dapat malaki pa rin ang bayad na matatanggap ng mga empleyado, ayon sa National Wages and Productivity Commission ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Paliwanag ng ahensiya, dalawang regular holiday kasi ang natapat sa petsang ‘yon – Huwebes Santo at Araw ng Kagitingan.

Batay sa holiday pay rules ng Department of Labor and Employment (DOLE), triple ang sasahurin ng mga manggagawang papasok sa naturang araw.


Pero sa mga desididong magpahinga, kailangan pa din bayaran ang daily wage rate nila ng doble o dalawang daang porsiyento.

Kaya muling paalala ng kagawaran sa mga kompanya, sundin ang ipinapatupad na batas kaugnay sa patas at karampatang suweldo ng bawat empleyado sa buong bansa.

Facebook Comments