Hinimok ng Department of Education Region 1 ang mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak sa nagpapatuloy na early registration na magtatapos sa ika-30 ng Abril.
Ang mga mag-aaral sa Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 sa mga pampublikong paaralan ang hinihikayat na magparehistro ng maaga para sa 2022-2023 school year.
Paghahanda ito para sa mga kakailanganin ng isang paaralan at upang makita kung may kakulangan sa kagamitan gaya ng upuan.
Bagamat hindi requirement na vaccinated ang mga mag-aaral, hinihikayat pa rin ang mga ito na magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa sakit.
Samantala, ang grade 2, 6, 8 ,9 ,10 at 12 ay awtomatikong rehistrado na. | ifmnews
Facebook Comments