Nagbabala ang Metro Manila Council (MMC) na papatawan ng penalty ang mga indibidwal na mahuhuling nagtatapon ng basura sa Ilog Pasig at iba pang katubigan sa Metro Manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ito ay para maiwasan ang pagbara ng mga basura sa mga pumping station lalo na kapag umuulan.
Nabatid na nasa 32 truck ng basura ang nakokolekta kada araw mula sa 57 pumping stations ng MMDA.
Kagabi, ilang lugar sa Metro Manila ang binaha partikular ang CAMANAVA area bunsod ng malakas na ulan.
Facebook Comments