Mga makabagong ideya para sa pagpapalakas ng turismo, target ni PBBM

Kinakailangan ang mga makabagong ideya para muling mas mapalakas ang turismo sa bansa matapos ang ilang taong pandemya.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang talumpati sa ginanap na Philippine Tourism Industry Convergence Reception sa SMX Convention Center sa Pasay City kagabi.

Giit ng pangulo na sa ilalim nang kanyang administrasyon ay mananatiling committed ang gobyerno sa pagtiyak nang maayos na turismo sa bansa.


Naniniwala ang pangulo na nasa tamang direksyon ang Department of Tourism (DOT) dahil sa ipinapakitang passion at energy ng mismong kalihim ng DOT na si Secretary Christina Frasco para sa tourism sector.

Sinabi pa ng pangulo na greatest assets ng Pilipinas ay pagkakaron ng 107 million Filipinos na mga kabataan na well-trained workforce, mababait, hospitable na makikita sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang ganitong qualities aniya ay maipagmamalaki ng Pilipinas sa buong mundo.

Bukod sa qualities, kinakailangan na ring ma-develop ang resort areas at gawing aktibo pa ang promosyon ng turismo sa bansa.

Facebook Comments