COMELEC Chairman Garcia at 2 pang commissioners, pinanumpa na rin sa pwesto

Pinanumpa na rin sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malakanyang kahapon si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia.

Kasama sa mga nanumpa sina COMELEC Commissioners Ernesto Ferdinand Maceda Jr., at Nelson Celis.

Una nang nakalusot sa Commission on Appointments si Garcia.


Si Celis ay isang engineer na may background sa Information Technology, at matagal nang co-convenor ng isang election watchdog na nagsusulong ng malinis at tapat na automated polls.

Si Maceda naman ay isang respetadong miyembro ng law academe, nagsilbing dean ng College of Law ng Pamantasang Lungsod ng Maynila.

Naging presidente at chairman din ito ng Philippine Association of Law Schools.

Una na ring pinanumpa sa pwesto ng pangulo si Paul Soriano bilang presidential adviser on creative communications.

Si Soriano ay inaatasang magbigay ng payo sa punong ehekutibo at tumulong sa mga departamento at ahensiya ng gobyerno kabilang na ang mga Government-owned and controlled corporation o GOCC sa mga bagay na magpapalakas sa information dissemination programs at mga inisyatibo ng pamahalaan.

Facebook Comments