Surprise visit ng mga pulis sa ilang mamamahayag, ikinabahala ng ACT Teachers party-list

Ikinabahala ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang ginawang surprise visit ng ilang mga pulis sa bahay ng ilang mga mamamahayag.

Sabi ni Castro, ang naturang hakbang ng pulisya ay nakaka-alarma at kapareho rin ng ginawa sa ilang mga guro na pinupuntahan sa mga bahay at isinailalim sa profiling.

Ikinalungkot ni Castro, hindi pa rin itinitigil ng mga pulis ang kanilang gawain katulad ng agad nilang pagbisita sa mga guro sa Masbate na dumalo sa mga pulong ng Alliance of Concerned Teachers.


Giit ni Castro, hindi lang simpleng pagbisita ang ginawa ng mga pulis kundi iligal na pag-access din sa mga mahahalaga at sensitibong impormasyon ukol sa mamamahayag tulad ng address o lokasyon ng kanilang bahay.

Facebook Comments