Ang Cagayan Valley’s Duck and Native Chicken Delight Technology na ibinahagi ni Dr. Cristine Maramag, Veterinarian II na pinondohan ng DA Bureau of Agricultural Research ay binuo upang matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng mas maraming kita sa pagenegosyo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng halaga sa dressed chicken.
Samantala, ang paggawad ng plucker machine sa mga nakatanggap na magsasaka ay upang matulungan sila na mapadali ang kanilang trabaho sa chicken dressing.
Ayon naman kay Regional Executive Director Narciso A. Edillo, layunin nito na madagdagan ang kanilang produkto upang matulungan ang mga magsasaka na mapataas ang kanilang ani at kita.
Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga kalahok na suportahan ang ating mga lokal na produkto.
Isinagawa ng Kagawaran ang pagpapasakamay sa mga magsasaka sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Understanding, Memorandum of Agreement at pagbibigay ng Certificate of Transfers sa mga benepisyaryo.