Halaga ng piso, posibleng humina dahil sa Ukraine-Russia crisis

Asahan ng humina ang halaga ng piso kontra dolyar kasunod ng patuloy na kaguluhan sa Russia at Ukraine.

Ayon kay financial analyst Astro del Castillo, posibleng umakyat sa ₱52.50 ang palitan ng piso kontra dolyar.

Aniya, dahil sa patuloy na tensyon ng dalawang bansa ay tumataas din ang halaga ng dolyar.


Kasabay nito, pinayuhan ni Del Castillo ang pamahalaan na pinakamagandang aksyon ngayon ang tulungan muna ang mga pinaka-apektadong sektor.

Facebook Comments