Mga malalayong lalawigan, uunahin sa pag-dispatch ng election materials ng COMELEC

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na uunahin nilang mabigyan ng Vote Counting Machine (VCMs) at iba pang Automated Election System (AES) supplies ang mga malalyong lalawigan sa bansa.

Ito ay matapos simulan kaninang hatinggabi ang pag-dispatch ng limang trak na may lulang mga VCM at AES mula sa COMELEC warehouse sa Sta. Rosa City sa Laguna.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez, ang unang dispatch ng VCMs at iba pang election paraphernalias ay ipapadala sa Mindanao.


Aniya, mayroong mahigit 40 regional hubs sa bansa kung saan ipapadala ang mga election paraphernalias at equipments.

Target aniya ng COMELEC na matapos sa loob ng 18 araw ang pagdedeploy ng mga gagamitin sa eleksyon.

Facebook Comments