Meralco Bolts, makakaharap ang Ginebra sa finals ng PBA Governors’ Cup

45

Sa ikaapat na pagkakataon, maghaharap muli ang nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco sa championship series ng PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos talunin ng Meralco Bolts ang Magnolia Hotshot sa game five ng semifinals sa score na 94-81.

Bumida sa panalo ng Bolts si Allein Maliksi na nagtala ng 24 points habang mayroong 18 points si Raymond Almazan at 17 points si Chris Newsome.


Nasayang naman ang nagawang 21 points ni Calvin Abueva para sa Magnolia.

Facebook Comments