Mga mambabatas, dapat mag-ingat sa muling pagbuhay ng panukalang constituent assembly para sa Cha-Cha

Binigyang-diin ni Senator Panfilo Ping Lacson na dapat mag-ingat ang mga mambabatas sa muling pagbuhay ng panukalang mag convene ang 18th congress bilang constituent assembly (con-ass) para amyendahan ang ilang economic provision sa ating konstitusyon.

Giit ni Lacson, anumang hakbang na gagawin hinggil dito ng mga mambabatas ay maaring patungo sa bitag.

Paliwanag ni Lacson, ito ay dahil wala pang katiyakan kung magkahiwalay na makakaboto ang Senado at Kamara dahil walang malinaw na probisyon sa konstitusyon hinggil sa con-ass.


Bunsod nito ay sinabi ni Lacson na dapat munang talakayin at maingat na pag-usapan ng mga senador ang bagay na ito bago ikonsidera na isalang sa plenary debates.

Facebook Comments