Manila, Philippines – Hindi syento por syento ang suporta ng mga kongresista sa Tax Reform Package ng Duterte administration.
Dahil dito, posibleng mag-abstain ang nasa 47 miyembro ng Partylist Coalition kung sakaling makokompromiso ang pagpapataw ng 12% VAT sa mga kooperatiba.
Ayon kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, karamihan aniya sa mga partylist representatives ay mula sa kooperatiba na maliit lamang ang kita at pinaiikot na pera.
Tanging ang electric cooperatives lamang sa mga kooperatiba ang may malaking revenue.
Nagpahayag naman si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ng pagwithdraw sa pagiging co-author ng panukala dahil tutol sila sa mga dagdag na excise tax sa langis, diesel, gasolina at LPG.
Samantala, tutol din si Negros Occidental Rep. Albee Benitez sa dagdag na buwis sa mga sweetened beverages.
Aniya, 40% ng suggested retail price ang iminumungkahing ipataw na tax sa mga sweetened beverages at mahirap aniya itong ibenta dahil sa sobrang mahal na ng presyo.
DZXL558