Mga manonood sa 2022 Beijing Winter Olympics, bawal muna dahil sa COVID-19

57

Posibleng walang munang audience na papayagan sa Beijing Winter Olympics sa susunod na taon.

Kasunod ito sa lumalang kaso ng COVID-19 at banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon sa ulat, maaari lamang payagan ang mga manonood pero kailangang residente ng China.


Wala pa namang ina-anunsiyo ang organizers kung ilan ang papayagan sa National Indoor Stadium na may capacity na 18,000.

Gaganapin ang Winter Olympics mula Pebrero 4 hanggang 20 habang ang Winter Paralympics ay sa Marso 4 hanggang 13.

Facebook Comments