Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na maagang palalayain ang mga matatanda at may sakit na bilanggo sa New Bilibid Prison.
Ayon sa pangulo, kakausapin niya ang mga prison official o si Justice Sec. Menardo Guevarra para mapadali ang kanilang paglaya.
Nang tangunin kung anong mga edad ang nais na niyang palabasin sa Bilibid, sinabi ng pangulo ang mga nasa edad 70 hanggang 75.
Sinabi rin ng pangulo na may ilang bilanggo na ayaw nang umalis sa kulungan dahil ikinukunsidera na nilang ‘outcast’ na sila sa Lipunan.
Nabanggit din ng pangulo na may ilang preso na ang nagkaroon ng “latent homosexuality” at nagkaroon na ng relasyon sa kapwa preso.
Nitong 2017, binigyan ng pangulo ng executive clemency ang higit 100 convicts, kabilang ang ilang matatanda at may sakit na inmates.