Nabigong makalapit sa US Embassy sa Maynila ang mga demonstrador matapos na agad na itaboy ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD).
Bago pa man makapaglatag ng kanilang mga streamers mula sa kanto ng Roxas Blvd. at Kalaw sa Maynila ay pinalayo na sila patungo sa Taft Avenue sa Plaza Salamanca kung saan sila naghiwa-hiwalay.
Ayon kay Roberto Nabio, Tagapagsalita ng Makabayang Alyansa, kailangan i-withdraw ng US Government ang kanilang presensya sa West Philippine Sea para maisulong ang soberenya ng bansa.
Dapat din aniyang magkaroon ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China gayundin ang pagkakaroon ng multilateral at 3rd party countries na walang territorial claims sa West Philippine Sea.
Hiniling din ng grupo na ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa Amerika at iba pang tratadong militar tulad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na may layuning mapalakas ang alyansa ng dalawang bansa.