Pambansang Kamao Manny Pacquiao, balik-training na sa susunod na linggo

120

Balik-training na si Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquiao sa Lunes matapos mamahinga ng isang linggo.

Ayon kay Nonoy Neri, Assistant Trainer ni Pacquiao, tututukan ng Pambansang Kamao ang speed para paghandaan ang sagupan nila ng 33-year-old na si American Mikey Garcia.

Nakatakdang sagupain ni Pacquiao si Garcia sa July o Agosto sa Dubai sa isang non-title 12-rounder.


Ang laban kay Garcia ang unang pagsabak ng senador sa ibabaw ng ring matapos ang naging panalo nito kay Keith Thurman noong July 2019 sa Las Vegas.

Facebook Comments