Pagadian City, Zamboanga del Sur—-Mahigit sa isang daan na ang elemento ng pulisya kasama ang personahe ng Burea Fire Station upang panatilihin ang kapayapaan sa lungsod ng pagadian kung magpupumilit talaga na magdaos ng protesta ang ilang militanteng group sa harapan ng Pagadian City Hall at sa Plaza Luz kasabay sa ginawang State of the Nation Address SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Abot sa halos dalawang libo katao na mula sa grupo ng mga magsasaka ang nakahanda na sana gaganapin nilang kilos protesta ngunit posibleng sa compound nalang sa simbahan ng Iglesia Filipina Independente (IFI) isisigawa ang kanilang panawagan at kahilingan matapos hindi sila binigyan ng Permit ng Pagadian Mayors Office na magprotesta dahil sa umiiral na martial Law.
Sa panayam ng RMN-DXPR Pagadian kay IFI Bishop Antonio Ablon, isa sa kanilang panawagan sa pangulo na dapat isulong ang paggulong pa ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at NDF o National Democratic Front.
Nais din nilang itigil na ang Martial law sa buong isla ng Mindanao, aniya ang batas militar ay dapat na sa Marawi City at sa Buong Lanao Del Sur lang ipapatupad. Binatikos din ng grupo ang paraan ng War on Drugs na kung saan ilang libo na ang napaslang na hindi dumaan sa tamang proseso ng batas sa administrasyong Duterte.
Pagkadilim na sa siyudad, untgi-unting umaalis na ang kanilang mga kasali kung isang isang maikling programa lamang ang kanilang ginawa at naglagay pa sila ng mga plakards sa labas ng simbahan saan nakasulat ang kanilang panawagan. (Mel Coronel, Kenneth Bustamante, dxpr News Team)
Mga militanteng grupo hindi natuloy ang kilos protesta sa Lungsod ng Pagadian dahil hindi binigyan ng permit
Facebook Comments