Sumugod sa tanggapan ng DENR ang ilang militanteng grupo kasabay sa anibersaryo ng palpak umanong Manila bay rehabilitation.
Ayon kay Joel Falcis, Spokesperson ng PAMALAKAYA-Cavite, mayroon pa ring manipestasyon ng polusyon sa Manila bay.
Sa katunayan, nagkaroon pa nga ng fish kill na ikinalugi ng mga mangingisda.
Aniya, sa ngayon ay mababa pa rin ang kalidad at bilang ng mga nahuhuling isda mula sa dating sagana.
Nagpahayag din ng pagkontra ang grupong Pamalakaya sa planong reclamation ng Manila bay.
Naghain na ng pormal na reklamo ang grupo sa DENR kontra sa tatlong reclamation projects sa probinsiya ng Cavite.
Pero,wala pa ring aksyon ang tanggapan ni Environment Secretary Roy Cimatu.
Facebook Comments