Muling kinalampag ng mga militanteng manggagawa ang mga kongresista na aksyunan na ang nakabinbing mga panukalang batas na magtataas sa 750 pesos na across the board increase.
Sa kanilang piket sa harap ng Batasang Pambansa, iginiit ng grupong Gabriela at Bayan Muna, imbes pagtuunan ng mga mambabatas ang mga isyu ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ay dapat daw pag-usapan din ang kapakanan ng mga manggagawa.
Giit nila, masyado ng dehado ang mga empleyado sa Pilipinas sa usapin ng umento sa sahod at seguridad sa trabaho.
Dahil daw sa TRAIN law ay tumaas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo na naging resukta upang lumiit naman ang take home pay ng mga manggagawa.
Facebook Comments