Mga misa at Holy Rosary, isasagawa sa Manila Cathedral kasabay ng unang araw ng conclave bukas

Magdaraos ng mga misa ang Archdiocese of Manila kasabay ng pag-uumpisa ng conclave bukas, araw ng Miyerkules.

Sa anunsiyo ng Manila Cathedral, magkakaroon ng ilang aktibidad bukas sa naturang simbahan para sa pagpili ng bagong Santo Papa.

Alas-7:30 ng umaga at alas-12 ng tanghali ang Mass for the Election of New Pope na pangungunahan nina Monsignor Rolly dela Criz at Fr. Viel Bautista.

Alas-11 naman ng umaga pangungunahan ni dating Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang Holy Rosary.

Alas-4:30 ng hapon oras dito sa Pilipinas mag-uumpisa ang conclave sa Sistine Chapel kung saan magkakaroon muna ng Misa sa St. Peter’s Basilica na dadaluhan ng mga miyembro ng College of Cardinals.

Facebook Comments