*Cauayan City, Isabela- *Nagpaalala ang pamunuan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s sa lahat ng mga miyembro nito sa Lungsod ng Cauayan na sumunod sa alituntunin ng programa.
Magugunita na kamakailan ay aktong nahuli sa pagsusugal ang dalawang (2) miyembro ng 4P’s sa Brgy. Alicaocao na inaresto ng mga Tanod.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Haidee Sto. Tomas, may sinusunod na pamantayan bago matanggal ang isang miyembro ng 4P’s kung saan ang unang warning ay dadaan sa City Link Officer, Provincial Link at maging sa Regional Director na sasailalim din sa Inter-Agency Committee ang mga masasangkot na kasapi ng 4ps.
Binigyang diin ni Ginang Sto. Tomas na household o buong pamilya ang saklaw ng programang ito na hindi binabase sa kasalanan ng ina o ama na gumawa ng paglabag para mawalan agad ng benepisyo ang isang pamilya dahil marami pa umanong pagdadaanang proseso.
Nakalaya rin kamakailan ang dalawang nahuling nagsusugal matapos makapag piyansa na ngayon ay binabantayan na upang hindi ma maulit ang nasabing insidente.