MANILA – Sa kabila ng mga pahayag ni President-Elect Rodrigo Duterte sa ilang journalists na nabibiktima ng media killiings… Nanawagan ang kapisanan ng Broadkaster ng Pilipinas (KBP) sa mga miyembro ng media na ipagpatuloy lang ang kanilang trabaho.Sa interview ng RMN kay KBP Chairman Hernan Basbaño, nagpaalala siya sa mga mamamahayag na huwag magpaapekto sa ganitong mga batikos.Sa kabila nito, aminado naman si Basbaño na may mga tiwaling media kung saan ipinaliwanag niya na ang ilan sa mga ito ay mga nagpapanggap lang.Una nang kinontra ng Malakanyang ang pahayag ni duterte na kaya napapatay ang mga kawani ng media ay dahil corrupt ang ilan sa mga ito.Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, hindi tama ang pahayag na ang dahilan ng media killings o pag-atake sa mga mamamahayag ay dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa katiwalian o media corruption.Nilinaw niya na trabaho ng gobyerno na arestuhin, litisin at parusahan ang mga responsable sa karahasan laban sa mga miyembro ng media.
Mga Miyembro Ng Media, Pinaalalahan Ng Kbp Na Huwag Magpaapekto Sa Mga Naging Pahayag Ni President Elect Rodrigo Duterte
Facebook Comments