Mga miyembro ng MPD Mobile Force Battalion, muling isinalang sa inspeksyon

Muling ininspeksyon kanina ang mga miyembro ng Mobile Force Battalion ng Manila Police District (MPD).

Suot ang kanilang full battle gear, siniyasat kung kumpleto ang kanilang kagamitan at kung nasa maaayos na ang mga ito.

Kabilang rito ang mga magazine ng baril, bala, bullet proof vest, bag na naglalaman ng mahahalagang gamit, kasama na ang first aid kit.


Ayon kay MPD Spokesperson Major Philipp Ines, nakasalalay sa MPD District Mobile Force ang kapayapaan ng isang lugar lalo na kung may pangangailangang pangseguridad.

Una na ring sumalang sa pagsasanay ang MPD Civil Disturbance Management Unit bilang paghahanda sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Facebook Comments