Suspek sa pagpatay kay National Center for Mental Health Chief Dr. Roland Cortez at sa kaniyang driver, tukoy na ng QCPD

89

May lead na ang Quezon City Police District (QCPD) sa suspek sa pagpatay sa pinuno ng National Center for Mental Health na si Dr. Roland Cortez at kaniyang driver.


Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo, kilala na nila ang suspek matapos na matunton ang ginamit na motorsiklo at nakatulong ang larawan nito.

Tumanggi munang pangalanan ni Montejo ang kriminal dahil nagpapatuloy ang operasyon.

July 27, 2020 nang tambangan si Cortez sa Tandang Sora Q.C. kung saan napatay din ang driver niyang si Ernesto Dela Cruz.

Facebook Comments