Saturday, January 31, 2026

Mga motorista, pinapayuhang dumaan sa alternatibong ruta dahil sa construction works ng NLEX-C5 Northlink sa QC

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta bunsod ng construction works para sa NLEX-C5 Northlink Segment sa Quezon City na magsisimula sa Pebrero 4.

Naglabas ng abiso ang North Luzon Expressway (NLEX) kaugnay ng pansamantalang pagsasara ng Katipunan Kaliwa Street / Lokaria Street sa Barangay Bagbag, Quezon City.

Ayon sa NLEX, isasagawa ang construction works mula alas-7 ng umaga ng Pebrero 4 hanggang Abril 2026.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga itinalagang alternatibong ruta.

Ang mga sasakyang mula Novaliches patungong Quirino Highway ay maaaring dumaan sa Gen. Luis Street, kumaliwa patungong Katipunan Avenue, at dumaan sa Berkeley Street at P. Dela Cruz Street, o sa King Christopher Street.

Samantala, ang mga sasakyang mula NLEX patungong Novaliches ay maaaring dumaan sa Mindanao Avenue at mag-U-turn matapos ang Tullahan Bridge patungong Gen. Luis Street.

Tiniyak naman ng NLEX na magde-deploy sila ng mga traffic marshal upang ayusin ang daloy ng trapiko at maglalagay ng mga directional sign sa mga apektadong lugar.

Facebook Comments