Sang-ayon si Senator Win Gatchalian na ipagpaliban ang barangay elections na nakatakdang gawin sa Disyembre ngayong taon.
Unang rason ni Gatchalian ang idinudulot ng eleksyon na pagkakawatak watak ng mamamayan.
Paliwanag ni Gatchalian, katatapos lang ng isang napakalaking halalan at naghihilom pa lang tayo mula dito.
Ikalawang dahilan na tinukoy ni Gatchalian ay ang malaking matitipid kapag hindi muna isinagawa ang halalan sa barangay na pinaglaanan ng mahigit ₱8 billion.
Ang postponement ng barangay elections ay planong isulong sa Kamara sa ilalim ng susunod na administrasyon upang magamit na pantugon sa pandemya ang pondong nakalaan dito.
Facebook Comments