Matagumpay na canvassing ng NBOC-Congress, “legacy” na maiiwan sa papatapos na 18th Congress

40

Maituturing na legacy ng patapos na 18th Congress ang matagumpay na papel ng Kongreso na umupong National Board of Canvassers o NBOC-Congress para sa canvassing ng boto sa mga kandidato sa presidente at bise presidente.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, nagampanan ng dalawang kapulungan ng Kongreso bilang NBOC ang pagpapanatili ng integridad ng electoral process.

Sinabi pa ng chairman ng House contingent ng NBOC-Congress, na binilang ang bawat boto ng mga Pilipino dito sa bansa at sa abroad.


Tulad ng unang napagkasunduan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, ang canvassing ay naging accurate, transparent at mabilis.

Dalawang araw lamang tumagal ang canvassing para sa mga kandidato sa pangulo at ikalawang pangulo kung saan nitong Miyerkules ay ganap na ngang naiproklama sina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte.

Facebook Comments