Senator De Lima, may apela sa susunod na justice secretary

228

Umaasa si Senator Leila de Lima na gagawin ni incoming Justice Secretary Boying Remulla kung ano ang tama.

Diin ni De Lima, lubos niyang ipagpapasalamat kung pag-aaralang mabuti ni Remulla ang kanyang mga kaso upang makita nito mismo ang kawalan ng hustisya na ginawa sa kanya.

Muli iginiit ni De Lima na ang pagpapakulong sa kanya ay bunga ng pagsantabi at pagmanipula sa mga batas.


Ayon kay De Lima, pinagkalooban ng immunity ang mga convicted Bilibid inmates na tumestigo o nag-imbento ng salaysay laban sa kanya at sa iba pang akusado.

Giit ni De Lima, ang isang makatotohanan at tapat na pag-aaral sa kanyang mga kaso ay maglalantad sa katotohanan na siya ay inosente.

Facebook Comments