Sumampa na sa 34,555 pamilya o katumbas ng 163,508 mga indibidwal ang naaapektuhan ng oil spill dulot ng lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.
Ang nasabing bilang ng mga apektadong residente ay mula sa 155 na mga barangay sa MIMAROPA at Western Visayas.
Nakapagtala rin ang mga awtoridad ng 192 indibidwal na nasaktan.
Habang nasa 13,654 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan.
Sa ngayon, umabot na sa P3.8 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng naturang oil spill.
Facebook Comments