Umabot na sa 1,879 ang mga nahuli ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na Commission on Elections (COMELEC) gun ban.
Batay sa datos ng PNP Command Center, pinakamarami sa mga ito ay mga sibilyan na bumibilang ng 1,810.
27 naman ang security personnel, 16 ang miymebro ng PNP, 9 ang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 17 na iba pa.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming bilang ng mga naaresto na nasa 687, kasunod ang Region 4A na may 209, Region 7 na may 202, Region 3 na may 177 at Region 6 na may 98.
Resulta ito ng 1,772 operasyong isinagawa mula Enero 9 hanggang ngayong araw.
Nakumpiska naman ng PNP sa mga nabanggit ang 1,445 firearms, 683 deadly weapon, at 7,926 na mga bala.
Facebook Comments