Pambato ng Pilipinas na si Kathleen Paton, itinanghal bilang Miss Eco International 2022

Kinoronahan bilang bagong Miss Eco International ang pambato ng Pilipinas na si Kathleen Paton sa katatapos lamang na coronation night sa Egypt.

Inuwi naman ng pambato na Belgium ang 1st runner-up habang nasungkit naman ng Amerika ang 2nd runner-up.

Habang itinanghal na 3rd runner-up ang pambato ng Spain at 4th runner naman ang nakuha ng pambato ng Malaysia.


Si Paton ang ikalawang Pilipina na nakapag-uwi ng Miss Eco International title matapos itong makuha ni Cynthia Thomalla noong 2018.

Facebook Comments