PATAFA Board members, pagpapaliwanagin ng Senado

Mag-iisyu ang Senate Committee on Sports ng show cause order laban sa 17 miyembro ng Board of Directors ng Philippine Athletics Track and Field Association o PATAFA.

Tugon ito ni Committee Chairman Senator Christopher Bong Go sa motion na inihain nina Senators Pia Cayetano, Francis Tolentino, Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III para i-cite in contempt ang mga board members ng PATAFA.

Sabi ni Go, bilang bahagi ng proseso ay pagpapaliwanagin muna niya ang mga miyembro ng PATAFA kung bakit hindi sila dapat ma-contempt at magpapatawag siya muli ng pagdinig para pag-usapan ang susunod nilang hakbang.


Kaugnay nito ay nakikiusap si Go sa magkabilang panig na isantabi na muna ang pansariling interes at resolbahin ang mga hindi pagkakaunawaan alang-alang sa bansa na ating nirerepresenta sa bawat laban.

Hiniling din ni Go na huwag ng haluan ng pulitika ang sports dahil walang panalo sa hidwaan na ito at palaging sambayanang Pilipino ang talo.

Facebook Comments