Mga naarestong IS members, dapat mahatulan na – Trump

Hinimok ni U.S. President Donald Trump ang United Kingdom at mga bansang miyembro ng European Union na kasuhan ang mga naarestong miyembro ng teroristang Islamic State (IS).

Ito ay kasunod ng patuloy na pag-atake ng Kurdish forces sa huling kuta ng ISIS sa Iraqi border.

Ipinagmalaki ni Trump na tuluyan na nilang natatalo ang mga terorista.


Nabatid na isiniwalat ng U.K. foreign intelligence chief na nagre-regroup ang mga natitirang miyembro ng ISIS para magkasa ng panibagong pag-atake.

Facebook Comments