MGA NAG-SURRENDER NA MGA MIYEMBRO NG GUN FOR HIRE AT KRIMINAL GANG SA PANGASINAN, UMABOT NA NG PITO

Umaabot na sa pito ang mga sumuko na mga miyembro ng Gun-for-Hire at criminal gang sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan Kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz, mula Mayo hanggang Hulyo na nasa pito na lahat ang mga sumuko na sinasabing mga miyembro ng gun for hire group sa lalawigan.
Ito aniya ay bahagi ng kampanya ng PNP na pagtugis sa mga sangkot sa nasabing criminal activities.

Isa naman itong welcome development ayon kay Captain Dela Cruz dahil mas mapapaigting ang pagkakaroon ng tahimik na probinsiya lalo pa at palapit na ang Brgy at SK Elections.
Samantala ang mga nag-susurender naman ay binibigyan ng kaukulang halaga bilang panimula sa kanilang pagbabagong buhay at sila ay isinailalim ng monitoring ng PNP kung sila ba talaga ay nagbago na mula sa kanilang dating gawain. |ifmnews
#
Facebook Comments