Mga nagawa ng gobyerno sa pagpoprotekta sa karapatang pantao ng mga Pilipino, ipipresinta sa United Nations Human Rights Council

Manila, Philippines – Ipipresinta ng Philippine High-Level Delegation sa United Nations Human Rights Council 3rd Universal Periodic Review ang mga nakamit ng gobyerno sa pagpapairal at proteksyon sa human rights sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, pangungunahan nina Sen. Alan Peter Cayetano; Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra; Presidential Human Rights Committee Undersecretary Severo Catura; Ambassador Evan Garcia ng Philippine Permanent Representative to the United Nations at iba pang international organizations ang presentasyon sa human rights situation ng Pilipinas.

Sabi pa ni Abella, sa aktuwal na review ay magkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng Pilipinas at iba pang UN member states.
Sa diskusyon, tanging UN member states ang maaaring magkomento at magbigay ng rekomendasyon.
DZXL558


Facebook Comments