MANILA – Nagsimula nang magsibalikan sa Metro Manila ang mga nagbakasyon at nagsi-uwian sa probinsya ngayong undas.Sa North Luzon Expressway, tinatayang nasa 340 libong sasakyan ang babalik ng Metro Manila ngayong araw.Dahil dito, naglaan na ang NLEX ng tatlong alternative exits para sa mga motorista.Sa mga tutungo ng lungsod ng Maynila, gamitin ang Balintawak Exit.Sa mga pupunta naman ng Quezon City ay lumabas sa Mindanao Avenue exit habang sa mga bibiyahe patungo sa CAMANAVA area ay gamitin ang Mc Arthur Karuhatan toll plaza.Sa South Luzon Expressway, bumibigat na rin ang daloy ng trapiko dahil sa mga sasakyang nakapila sa Ayala Alabang at Calamba toll plaza.Nagbukas na rin ang SLEX ng tatlong counterflow lane para makatulong sa inaasahang dami ng bilang ng mga motoristang dadating.Inaasahang nasa 330 libong sasakyan ang babalik ng Metro Manila ngayong balik opisina at klase na.
Mga Nagbakasyon At Umuwi Sa Mga Probinsya, Balik Metro Manila Na Ngayong Araw
Facebook Comments