Pinayuhan ng malakanyang ang mga nagdududa sa pagreretiro ni Pangulong Rodrigo Duterte sa politika.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas mabuting hintayin na lang ng mga ito na matapos ang itinakdang panahon para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), maging ang deadline sa substitution ng kandidato.
Habang iginiit din ng kalihim ng pangulo na mismo ang nagsabi na magreretiro na ito sa politika, kaya hindi niya maunawaan kung bakit mayroon pa ring mga nagdududa.
Sa ngayon wala pang paliwanag si Roque sa mga nagdududa sa pahayag ng pangulo pero tiniyak na ilalabas ito sa November 15 o sa deadline para sa substitusyon ng kandidato.
Facebook Comments