Mga nagpaparehistro para sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa Malabon, matumal

Matumal ang bilang ng mga residenteng na nagpaparehistro at magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Bong Padua, Public Information Office Chief ng Malabon, nasa 50,000 o 13% lamang ng kabuuang 380,000 na populasyon ang nagparehistro sa kanilang vaccination program.

Ilan sa nakikitang dahilan ng mababang bilang ng nagpaparehistro ay ang takot sa bakuna at preference sa specific na brand ng bakuna.


Kaugnay nito ay plano ng lokal na pamahalaan na paigtingin pa ang ginagawang kampanya para sa bakuna online at sa mga barangay. Paiigtingin rin aniya ang pagpapaliwanag sa kabutihan ng bakuna sa tao upang mahimok ang mga ito na magpabakuna at maging protektado laban sa COVID-19.

Facebook Comments