Mga nagprotesta sa huling SONA ni Pangulong Duterte, umabot lamang sa halos 3,000

Umabot na sa halos 3,000 katao ang bilang ng mga raliyista sa Quezon City kasabay ng naganap na huling State of the Nation Address ni Pangulong Duterte ngayong hapon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar, pagpatak kaninang ika-12 ng tanghali, dumami na sa 2,750 ang bilang ng mga raliyista mula sa iba’t-ibang progresibong grupo at organisasyon.

Nasa 15,000 kapulisan naman na ipinadala sa lungsod upang matiyak ang seguridad sa SONA ng Pangulo.


Sa bilang na ito, 11,800 ang mga police personnel habang ang natitirang bilang ay mula sa pwersa ng organisasyon ng mga ahensya ng gobyerno.

Kabilang sa mga nagprotesta ang grupong Bayan Southern Tagalog, Kilusang Mayo Uno, Liga Independencia Pilipinas, League of Parents of the Philippines at iba pa.

Sumama rin sa protesta ang mga Muslim leaders na kinabibilangan ng; Metro Manila Muslim Traders Association , Sultan sa Maguing, United Imam of the Philippines, Muslim Multi Sectoral Organization, Moro Ako at Ranao Charitable society .

Nagkasa rin ng protesta sa Quezon City ang fishers’ group na Pamalakaya, na kinondena ang anila’y pagiging duwag ni Duterte sa pagtatanggol sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Pinaalalahanan ni Eleazar ang mga pulis na payagan ang mga protesta at ipatupad ang maximum tolerance.

Facebook Comments