Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Sherwin Balloga, Chief Supervisor ng Public Order and Safety Management Office (POSMO), dumami aniya ang nahuhuli nilang traffic violators mapa pribado o pampublikong sasakyan man sa Lungsod mula nang sumailalim ang buong Isabela sa Alert Level 1.
Sa ngayon, pinapayagan na sa Lungsod ang pagsakay ng mga traysikel ng driver’s ng isa hanggang dalawang pasahero habang ang mga pampasaherong jeep naman ay pinapayagan nang lumarga ng full capacity.
Patuloy naman ang pagbibigay paalala ni Balloga sa mga tsuper na sumunod sa ipinatutupad na maximum capacity at mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong sasakyan.
Samantala, fully vaccinated na kontra COVID-19 ang lahat ng mga kawani ng POSMO sa Lungsod na kung saan mayroon itong kabuuang 75 staff at enforcer.