Umabot na sa P92.1 billion ang nailabas na pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, 16.3 million na pamilya na ang nabigyan ng tulong pinansyal.
1,035 na Local Government Units (LGUs) naman ang 100% nakapagpamahagi ng SAP.
Nagbabala naman ang kalihim sa mga LGUs na natatagalan pa rin sa distribusyon ng SAP.
Aniya, maaring magdulot ito ng delay sa release ng second tranche.
May labinlimang araw naman ang mga LGUs para magsumite ng liquidation report.
Ipinauubaya naman ni Bautista sa DILG ang pagpaparusa sa mga LGUs na sangkot sa anomalya sa pamamahagi ng SAP.
Facebook Comments