Manila, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) napatuloy ang kanilang ginagawang operasyon para mahuli ang mga personalidad nakabilang sa arrest order na inilabas ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, sa halos 300 pangalan ay nasa mahigit 100 pa lamang ang nahuhuli at mahigit 60 dito ang nakasuhan na.
Ang mga natitira aniya ay patuloy nilang hinahanap sa ngayon habang umiiral ang Martial law sa buong Mindanao.
Paliwanag ni Padilla, hindi nila inaalis ang posibilidad na nakaalis nang Mindanao ang ilan sa mga ito at hindi malayong nagtatago na saVisayas o sa Luzon at pati sa Metro Manila.
Sinabi din ni Padilla na maituturing pa rin na threat o banta ang mga nakakawalang suspects kaya puspusan ang kanilang ginagawang aksyon para madakip at makasuhan ang mga ito.
Malaki kasi aniya ang posibilidad na ang mga nakakawalang miyembro ng terrorist group ay magsagawa ng lone wolf attack na pinangangambahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.